Salamat po pala sa mga comments at advices. Kila Pink 5ive , Marc, Jay :)!, Zildjian, mico, Godric, jayzon13, j.v ,Dave17 at sa mga anonymous :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Napaisip tuloy ako kung nakita ba ni Angelo ang pagkakatitig ko kay Daniel. Kaya’t minabuti kong tanungin si Angelo, “oh bakit?”, “wala makinig ka kay ma’am!”, sagot niya na may halong inis. Naweweirdohan ako sa ikinikilos ni Angelo ngayon.
Halos alam na namin lahat ang sinasabi ni Ms. Jam , rules and regulations,grading system at iba pa. KRIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG,”ayun recess na!”, saktong yayayain ko sina Pau at Angelo nang tawagin ako ni Ms. Jam at sinabing kakausapin niya ako. Nag-usap kami sa may corridor at sinabi niya sa akin na dahil nakita daw niya na responsible at friendly ako nung 3rd year, ako ang aatasan niya upang tulungan si Daniel para mapadali ang kanyang pag-aadjust , natuwa naman ako sa binigay na responsibility ni Ms. Jam kaya lubos ko itong tinanggap.
Nag-aantay sila Angelo at Pau sa akin at tinawag ko na sila para magrecess , habang papunta kami sa canteen nag-iisip ako kung paano ko iaaproach si Daniel, hmmmmmmm?. At nang nasa canteen na kami ay andun na din sina Peter, Shane at Patrick na nagreserve ng upuan para sa amin at ibinilhan na din kami ng makakain.
Biglang nagsalita si Paula.
Paula: huy ano pala sabi sayo ni Ms. Jam, unang araw palang ng klase eh may atraso ka na agad haha
Ako: hindi ah, sabi niya sakin na ako daw ang tutulong kay Daniel para mas madali siyang maka-cope-up sa classroom at school. (ganda talaga ni Pau :D )
Shane: sino naman yun?
Ako: transferee siya, galing states.
Paula: eh ano naiisip mong gagawin?
Ako: ewan
Paula: what if kami muna ni Gelo ang magtabi, tapos lipat ka sa tabi niya?
Ako: ok lng naman, ok lang kay Gelo?
Angelo: sige ok lang at balik agad sa pag-uusap nila Patrick at Peter
Ako: so yun muna gagawin natin.
Paula: yeah
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGG( time na!)
Bumalik na kami sa classroom at kinuha ko na ang bag ko at kinakabahang lapitan si Daniel dahil baka di mamansin . At ayun na nga nakalapit na ako sa kanyang kinauupuan at tinanong kung pwede akong tumabi sa kanya. “sure, ok lang” sagot niya. Nagpakilala na ako sakanya,”ako nga pala si Jeremy “ sabay abot ng kamay, “Daniel” maikli niyang sagot at nagkamayan na kami. Nakita ko si Ms. Jam na nakatingin at nakangiti sa akin, marahil may nakikita siyang progress sa aking mission. Wala kami masyadong ginawa kaya’t nakipagkwentuhan muna ako kay Daniel.
Ako: so bakit ka lumipat dito ?
Daniel: long story.
Ako: ahhhhhh ok (naku ano pa kaya sasabihin ko ) hmm ano pala favorite subject mo?
Daniel: hmm Science and English
Ako: nice, nga pala gusto mo bang sumabay mamayang lunch sa amin?
Daniel: no thanks
At saktong nag-ring na ang bell na naghuhudyat ng lunch
Ako: so sige kita kits nalang ulit mayang hapon. Bye.
Daniel: ok
Grabe napakaseryosong tao naman nun tapos ang ikli sumagot , nasabi ko nalang sa aking isip. Sa aming pag-uusap nalaman ko din na madadaanan ang bahay nila papunta sa amin, kaya’t naisip kong tanungin siya mamaya kung gusto niyang sumabay sa akin sa pag-uwi.
Naglunch nalang kami ng barkada sa Mcdo na malapit sa school. Natawa ako kay Angelo na nakipag-unahan kay Patrick sa kaliwang upuan na katabi ko at sa kanan ko naman si Paula ang nakaupo, andami nga lang tao dito sa Mcdo kaya’t ang sikip. Lagi kaming nagkakabanggahan ng siko ni Gelo tuwing susubo. After naming matapos ang pagkain nagkwentuhan muna kami . Natanong ni Pau ang aking mission at kwenento ko naman ang lahat. Tinanong ko naman siya kung kamusta sila ni Gelo haha. Sabi niya di daw masyadong umiimik si Gelo parang malalim daw ang iniisip. Hmmm bakit kaya , sa pagkakaalam ko madaldal at laging nangungulit si Gelo eh. Biglang natigil ang aking pag-iisip nang sinabi ni Pat na 10 minutes nalang before time. Kaya’t bumalik na kaming lahat sa school at sa kanya kanyang mga classroom.
Nagulat ako na mag-isa palang ni Daniel sa classroom at nakasaksak ang kanyang earphones. Hmm naglunch kaya siya? .
Wala ulit kaming ginawa ngayong hapon kaya’t pagkakataon kong tanungin siya kung gusto niyang sumabay sa akin at kay Angelo sa pag-uwi (halos magkapitbahay lang pala kami ni Angelo). “hmm sige kasi di pa ako sanay sa mga jeep at tricycle dito” . sagot niya at natuwa naman ako dahil humaba na ang kanyang sagot at makakasabay pa namin mamaya.
Yesss! Uwian na!
-itutuloy
By: Yos
P.S.- pavisit po naman ng blog ko http://heartbeatzero.blogspot.com/ salamat :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento