Someone Like You (part.2)
Habang nasa loob ng kotse iba’t ibang bagay ang pumapasok sa aking isip ang mga bagay na gusto kong baguhin tulad ng magkalove life dahil sa tatlong taong nanatili ako sa highschool dalawa palang ang aking naging girlfriend kaya isa iyon sa aking goal,ewan ko ba kung bakit? Di lang talaga ako nagiging totoo sa aking mga nararamdaman at isa akong torpe, isa pa ay ang pagiging mas active, sasali na ako sa iba’t ibang activities ng school. Natigil ang aking pag-iisip ng nagvibrate ang aking phone.
TEXT
Angelo: tol san kana 7:10 na >.< (si Angelo ay ung taong kung usapan ay 7 ay 7 sharp siya dadating, sa madaling salita laging on-time kaya ayun laging nag-aantay)
Ako: oo malapit na ako xD
Angelo: sige sige andito na din pala sila Paula at Pat
Ako: ok ok . eh sila Shane at Peter?
Angelo: la pa eh, geh bilisan mo ha!
Ako: ok
(fact:kung nagreply ka ng ok maaaring replayan ka rin ng ok at di ka na makakasagot o di kaya hindi na magrereply sayo)
Si Paula ay isa sa mga tinitingala sa school dahil sa angkin niyang ganda at galing. Tsinita, maputi, mayaman, matalino at madaming talents. Nasakanya na ata lahat(sa totoo lang crush ko siya pero basta ewan). Si Patrick naman ay isa sa mga chickboy ng barkada, malakas kasi ang dating. Si Shane naman ay ang kikay pero ang pinakamalalapitan sa oras ng pangangailangan, maganda din si Shane eh pero may boyfriend na mula pa nung 2nd year eh sila na(swerte naman nagtagal sila ng more than 1year), pero madami paring nanliligaw sa kanya at si Peter ang pinakamayaman sa lahat, maporma, maputi, tsinito o ang boy version ni Paula.
*Sa Paaralan
At iyon na nga halos di mahulugan ng karayom ang lobby dahil sa dami ng studyanteng excited na makita ang section o di kaya upang makipagkita sa mga kaklase. Agad-agad akong pumunta sa tapat ng lib at andun na si Angelo at si Paula. Agad na pagsalubong ni Angelo, “you’re 15 minutes late!” , “sorry naman daw, trapik eh, hi Pau,hi Pat!” agad kong pagpapaliwanag at pagbati kay Paula at Patrick sabay ngiti. Nag-hi din sila at tinanong ni Paula kung nagtext ba sila Shane at Brad kaso wala akong natanggap na text mula sa kanila. “Haist antagal nila” inis na sambit ni Angelo. “Relax ka lang, alam mo namang patagalan iyong dalawang iyon eh” pabiro kong sinabi.
7:30 nang dumating si Brad at 7:40 si Shane. “Panalo si Shane!”, sigaw ni Patrick , tawa naman ang lahat. Doon ko nalaman na magkakaklase pala sila Pat, Peter at Shane, at kami naman nila Angelo at Pau ang magkakaklase. Hinatid na namin sila sa kanilang classroom at kami ay pumunta na din sa aming classroom.
Magkatabi kami ni Pau at si Angelo ay nasa likod ko. Kaya’t nagkwentuhan muna kami, pero napansin kong di masyadong umiimik si Angelo. Dumagsa na din ang iba naming mga kaklase halos kilala ko na ang lahat sa mukha at ung iba ay naging kaklase ko na nung 3rd year, ngunit may kakapasok lang mukhang transferee, cute siya pero mukhang emo type at pararang mahirap iapproach pagkatapos ng ilang minuto pagkapasok ni “new guy” dumating nadin ang aming adviser at laking gulat ko dahil siya ang paborito kong subject teacher nung 3rd year si Ms. Jam , nasa 30’s siya, magaling magbigay ng advice at student-friendly. Si “new guy” lang ang pinag-introduce-yourself dahil kilala na namin ang isa’t isa, ang pangalan niya pala ay Daniel, mula sa states(kaya pala maganda ang kutis at ang kanyang pagkamoreno), mahilig daw siya sa arts-drawing,painting,photography at yun lang ang kanyang sinabi. Di ko namalayan na nakatitig lang ako sakanya hanggang sa siya’y umupo at bigla siyang tumingin sa akin , doon lang bumalik ang aking katauhan.
“Huy!” bigla akong kinalabit ni Angelo…..
-itutuloy
By: yos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento