Sabado, Oktubre 8, 2011

Someone Like You (part.4)

Someone Like You (part.4)

Pasensya po ulit kung di masyadong mahaba hehe. Sensya din po kasi super busy ,dami tlgng Gawain ang highschool :C

Pagkatapos naming magpaalam sa aming guro ay agad akong nagpahintay kay Daniel at linapitan si Angelo at sinabing sasabay si Daniel sa amin, “ok” maikli niyang sagot.

Lumabas na kami ng school at habang papunta kami sa sakayan ng jeep ay bigla akong inakbayan ni Angelo, nasa isip ko ay isang friendly akbay lang naman kaya ok lang at lagi naman niya itong ginagawa pero parang iba, nasa likod lang namin si Daniel tahimik na nakasaksak ang earphones sa tenga. Nang makarating kami sa sakayan ay pinili namin ang jeep na walang sakay at umupo kami malapit sa pasukan para di kami ang taga-abot ng bayad. Magkatabi kami ni Angelo at sinabi niyang siya na manlilibre sa akin (nakatipid nanaman ako :D) nasa harapan namin si Daniel at iniabot niya kay Angelo ang kanyang bayad.

Habang umaandar ang jeep kinamusta ko si Angelo , dahil di pa kami masyadong nag-uusap sa araw na ito.”ayus lang naman, medyu boring kasi di kami ganun kaclose ni Pau tapos lahat ng sinasabi ni Ma’am alam na natin hays!”, mukhang di niya na-enjoy ang unang araw ng klase. “haha ganun ba” (d ko na nasabi na boring din dahil nasa harap lang namin si Daniel), bigla kong tinignan si Daniel tapos nakatingin din pala sa akin, ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba sa mata niya, parang nababalot ito ng hinagpis at kalungkutan at nang-aakit na alamin mo kung ano ang itinatago ng mga lungkot sa kanyang mata. Biglang natigil ito ng magpara na si Daniel at nakita kong halos limang bahay lang pala ang layo ng bahay nila sa amin.”Bye”, kasabay ng kanyang pagbaba at nakatingin sa akin. “bye” sabi ko din bago pa siya nakababa.

Nagpara na din si Angelo at bumaba na kaming dalawa. Tinanong ko kung gusto niyang mag-stay muna sa bahay at magmeryenda at nag-oo naman siya. Nga pala laging wala ang aking magulang sa bahay dahil sa kanilang trabaho, minsan halos isang buwan silang di umuuwi dahil sa business transactions nila abroad , kaya ang lagi kong kasama ay ang mga maid. So ayun nagmeryenda kami saglit ni Angelo tapos nag-computer, DOTA ang aming linaro at may pustahan isang libo at talo nanaman siya hahaa.

Ako: panu ba yan talo ka nanaman hahahaha

Angelo: wala!, sanay ka na sa hero na yan eh!

Ako: haha mas magaling lang talaga ako sayo.

Nainis siya at biglang tumahimik yun pala ay bigla akong kiniliti,(alam nyang malakas ang kiliti ko sa beywang) hanggang sa mapahiga kami sa kama at nasipa ko siya sa kanyang . “Araaay!” sigaw niya. Ako naman tawa ng tawa. Lumipas ang oras at 6:30 na kaya’t hinatid ko na siya sa kanila.
Nang makabalik ako sa bahay ay nag-facebook agad ako, naisipan kong i-search ang account ni Daniel at nakita ko agad , nakita ko din na 15 na ang mutual friends namin marahil inadd na din siya ng iba naming kaklase at nakaprivate ito. Inadd ko siya at siguro mapapadali nito ang aking misyon at wala pang isang minuto ay inaccept niya agad.

Daniel: tfta :)

Ako: np

At di na siya sumagot.
Inupdate ko lang ang iba’t iba kong account at nag offline na.

Mag-isa nanaman ako dito sa napakahabang dining table. Kaunti lang nakain ko at bumalik na ako agad sa kwarto.

“Good Evening, GM”

Nagreply naman si Angelo.

Angelo: yo! Kumain ka na?

Ako: yuhp. Kaw?

Angelo: kanina pa haha

Ako: gawa mo ?

Angelo: nakahiga lang , kaw?

Ako: same haha

Angelo: di ka pa antok?

Ako: ndi pa masyado, hehe

Angelo: antok na ako eh , hehe tulog na ako ha. Nyt :)

Ako: sige goodnight kita kits nalang ulit sa school :D

Wala ulit kaming ginawa sa klase, dahil dito mas nagkaroon ako ng oras para mas kilalanin si Daniel sa buong lingo mas nakilala ko siya at mas naging close kami, lagi siyang sumasabay sa pag-uwi kasama si Angelo.

Mas naging palakwento na si Daniel sa loob ng isang buwan naming pagiging seatmate. Siya rin pala ang naging kagroup ko para sa 1st grading ng klase at baka narin sa mga susunod na grading periods.Nalaman ko din pala na multi-talented si Daniel, magaling kumanta, magluto, sumayaw at nakita ko na din ang iba’t iba niyang drawings,paintings at photographies at ang galing niya dahil doon naging sikat siya sa school at syempre ako din naging sikat sa school dahil sa talent kong pagsusulat, pagsspeech at pag-aarte. Lagi kaming kasali ni Daniel sa kung ano anong contest mapa-divisions,regionals at nationals. Madami na rin ang nagkakagusto kay Daniel mapababae o lalaki pero parang di siya interesado sa mga iyon. Naging watak-watak din ang barkada dahil halos lahat sa kanila ay may shota o di kaya talagang busy sila.

Sa isang buwan na iyon tila nagbago si Angelo, mas naging magkasama sila ni Pau,at halos din a niya ako kinakausap, di ko alam eh pero parang may mali, parang may namumuo sa akin. Selos?
Sa mga oras na iyon si Daniel ang lagi kong kasama, sa weekends gustuhin ko mang makasama si Angelo kaso laging may pupuntahan kung yayayain ko siya, kaya’t si Daniel lagi kong kasama, pinasyal ko siya sa iba’t ibang malls at pasyalan dito dahil nga sa di pa niya gaanong nalibot ang aming lugar. Nakikisleep-over din siya sa amin at ako sa kanila.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayong weekend naisipan kong yayain si Daniel na manood ng sine , pero tumanggi siya dahil busy daw. Nagtaka ako dahil alam kong gusto niyang panoorin ang palabas ngayon sa sine at lagi niyang kinukwento sa akin.

Sa school, nalaman kong si Daniel at may girlfriend na mula sa 3rd year. Di ko alam pero parang di ko nagustuhan ang balitang iyon. Nagpanggap nalang ako na parang Masaya ay kinongratulate ko siya. Parang nawalan nanaman ako ng kaibigan, una si Angelo , ngayon si Daniel. Di ko alam kung normal itong nararamdaman ko? Pero paano naman ako? Iniwan nalang nung nagkaroon na ng relasyon? Hayss. Hirap talagang maging single, nag-aantay ka nalang ng magyayaya sayo tuwing weekend,mag-isa kang kumakain at umuuwi.
______________________________________________________________________________

Naisipan kong magfocus nalang sa mga activities ng school at sa aking mga lessons. Naging boring ang buhay ko ngunit nagbago ito nang makilala ko si Nathan na isang sophomore, nakilala ko siya sa Debate Club dahil ako ang naging facilitator at siya naman ang naging secretary, kaya’t lagi ko siyang nakakasama pagkatapos ng session para sa Debate Club upang ayusin ang documentation.

Niyaya niya akong sa Mcdo nalang namin tapusin iyon para makapag-dinner na kami. Natapos naming ng mabilis ang documentation at nagkwentuhan, naging close kami, dahil narin siguro sa common interest namin ang debate at andami naming napag-uusapan. Nalaman ko na bi siya,sa una di ako maniwala dahil napakasuper-straight siya para maging, pero wala lang sa akin dahil di ko tinitignan ang isang tao sa kanilang kasarian. (Pero nararamdaman kong may pagka-bi din ata ako. Pero di pa ako sigurado)

May isang gabing pumunta si Angelo sa bahay,nagdadabog sa pintuan ,amoy alak at halos di na makatayo. Dali-dali kong dinala sa kwarto at pinahiga sa kama. Tinatanong ko kung bakit siya naglasing at IKAW KASI EH! Lang ang lagi niyang sinasagot,hinayaan ko muna siya baka dahil lang sa lasing siya. Tinanggal ko nalang ang kanyang damit at pinahiraman ko siya ng aking damit. Nagtataka ako kung bakit siya ganun. Nahiga narin ako sa kama at nakatapikit na ako, di ko inaasahan ang mga sumunod niyang sinabi. “IKAW KASI EH!............

-itutuloy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento