Sabado, Oktubre 8, 2011

Someone Like You (part.4)

Someone Like You (part.4)

Pasensya po ulit kung di masyadong mahaba hehe. Sensya din po kasi super busy ,dami tlgng Gawain ang highschool :C

Pagkatapos naming magpaalam sa aming guro ay agad akong nagpahintay kay Daniel at linapitan si Angelo at sinabing sasabay si Daniel sa amin, “ok” maikli niyang sagot.

Lumabas na kami ng school at habang papunta kami sa sakayan ng jeep ay bigla akong inakbayan ni Angelo, nasa isip ko ay isang friendly akbay lang naman kaya ok lang at lagi naman niya itong ginagawa pero parang iba, nasa likod lang namin si Daniel tahimik na nakasaksak ang earphones sa tenga. Nang makarating kami sa sakayan ay pinili namin ang jeep na walang sakay at umupo kami malapit sa pasukan para di kami ang taga-abot ng bayad. Magkatabi kami ni Angelo at sinabi niyang siya na manlilibre sa akin (nakatipid nanaman ako :D) nasa harapan namin si Daniel at iniabot niya kay Angelo ang kanyang bayad.

Habang umaandar ang jeep kinamusta ko si Angelo , dahil di pa kami masyadong nag-uusap sa araw na ito.”ayus lang naman, medyu boring kasi di kami ganun kaclose ni Pau tapos lahat ng sinasabi ni Ma’am alam na natin hays!”, mukhang di niya na-enjoy ang unang araw ng klase. “haha ganun ba” (d ko na nasabi na boring din dahil nasa harap lang namin si Daniel), bigla kong tinignan si Daniel tapos nakatingin din pala sa akin, ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba sa mata niya, parang nababalot ito ng hinagpis at kalungkutan at nang-aakit na alamin mo kung ano ang itinatago ng mga lungkot sa kanyang mata. Biglang natigil ito ng magpara na si Daniel at nakita kong halos limang bahay lang pala ang layo ng bahay nila sa amin.”Bye”, kasabay ng kanyang pagbaba at nakatingin sa akin. “bye” sabi ko din bago pa siya nakababa.

Nagpara na din si Angelo at bumaba na kaming dalawa. Tinanong ko kung gusto niyang mag-stay muna sa bahay at magmeryenda at nag-oo naman siya. Nga pala laging wala ang aking magulang sa bahay dahil sa kanilang trabaho, minsan halos isang buwan silang di umuuwi dahil sa business transactions nila abroad , kaya ang lagi kong kasama ay ang mga maid. So ayun nagmeryenda kami saglit ni Angelo tapos nag-computer, DOTA ang aming linaro at may pustahan isang libo at talo nanaman siya hahaa.

Ako: panu ba yan talo ka nanaman hahahaha

Angelo: wala!, sanay ka na sa hero na yan eh!

Ako: haha mas magaling lang talaga ako sayo.

Nainis siya at biglang tumahimik yun pala ay bigla akong kiniliti,(alam nyang malakas ang kiliti ko sa beywang) hanggang sa mapahiga kami sa kama at nasipa ko siya sa kanyang . “Araaay!” sigaw niya. Ako naman tawa ng tawa. Lumipas ang oras at 6:30 na kaya’t hinatid ko na siya sa kanila.
Nang makabalik ako sa bahay ay nag-facebook agad ako, naisipan kong i-search ang account ni Daniel at nakita ko agad , nakita ko din na 15 na ang mutual friends namin marahil inadd na din siya ng iba naming kaklase at nakaprivate ito. Inadd ko siya at siguro mapapadali nito ang aking misyon at wala pang isang minuto ay inaccept niya agad.

Daniel: tfta :)

Ako: np

At di na siya sumagot.
Inupdate ko lang ang iba’t iba kong account at nag offline na.

Mag-isa nanaman ako dito sa napakahabang dining table. Kaunti lang nakain ko at bumalik na ako agad sa kwarto.

“Good Evening, GM”

Nagreply naman si Angelo.

Angelo: yo! Kumain ka na?

Ako: yuhp. Kaw?

Angelo: kanina pa haha

Ako: gawa mo ?

Angelo: nakahiga lang , kaw?

Ako: same haha

Angelo: di ka pa antok?

Ako: ndi pa masyado, hehe

Angelo: antok na ako eh , hehe tulog na ako ha. Nyt :)

Ako: sige goodnight kita kits nalang ulit sa school :D

Wala ulit kaming ginawa sa klase, dahil dito mas nagkaroon ako ng oras para mas kilalanin si Daniel sa buong lingo mas nakilala ko siya at mas naging close kami, lagi siyang sumasabay sa pag-uwi kasama si Angelo.

Mas naging palakwento na si Daniel sa loob ng isang buwan naming pagiging seatmate. Siya rin pala ang naging kagroup ko para sa 1st grading ng klase at baka narin sa mga susunod na grading periods.Nalaman ko din pala na multi-talented si Daniel, magaling kumanta, magluto, sumayaw at nakita ko na din ang iba’t iba niyang drawings,paintings at photographies at ang galing niya dahil doon naging sikat siya sa school at syempre ako din naging sikat sa school dahil sa talent kong pagsusulat, pagsspeech at pag-aarte. Lagi kaming kasali ni Daniel sa kung ano anong contest mapa-divisions,regionals at nationals. Madami na rin ang nagkakagusto kay Daniel mapababae o lalaki pero parang di siya interesado sa mga iyon. Naging watak-watak din ang barkada dahil halos lahat sa kanila ay may shota o di kaya talagang busy sila.

Sa isang buwan na iyon tila nagbago si Angelo, mas naging magkasama sila ni Pau,at halos din a niya ako kinakausap, di ko alam eh pero parang may mali, parang may namumuo sa akin. Selos?
Sa mga oras na iyon si Daniel ang lagi kong kasama, sa weekends gustuhin ko mang makasama si Angelo kaso laging may pupuntahan kung yayayain ko siya, kaya’t si Daniel lagi kong kasama, pinasyal ko siya sa iba’t ibang malls at pasyalan dito dahil nga sa di pa niya gaanong nalibot ang aming lugar. Nakikisleep-over din siya sa amin at ako sa kanila.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayong weekend naisipan kong yayain si Daniel na manood ng sine , pero tumanggi siya dahil busy daw. Nagtaka ako dahil alam kong gusto niyang panoorin ang palabas ngayon sa sine at lagi niyang kinukwento sa akin.

Sa school, nalaman kong si Daniel at may girlfriend na mula sa 3rd year. Di ko alam pero parang di ko nagustuhan ang balitang iyon. Nagpanggap nalang ako na parang Masaya ay kinongratulate ko siya. Parang nawalan nanaman ako ng kaibigan, una si Angelo , ngayon si Daniel. Di ko alam kung normal itong nararamdaman ko? Pero paano naman ako? Iniwan nalang nung nagkaroon na ng relasyon? Hayss. Hirap talagang maging single, nag-aantay ka nalang ng magyayaya sayo tuwing weekend,mag-isa kang kumakain at umuuwi.
______________________________________________________________________________

Naisipan kong magfocus nalang sa mga activities ng school at sa aking mga lessons. Naging boring ang buhay ko ngunit nagbago ito nang makilala ko si Nathan na isang sophomore, nakilala ko siya sa Debate Club dahil ako ang naging facilitator at siya naman ang naging secretary, kaya’t lagi ko siyang nakakasama pagkatapos ng session para sa Debate Club upang ayusin ang documentation.

Niyaya niya akong sa Mcdo nalang namin tapusin iyon para makapag-dinner na kami. Natapos naming ng mabilis ang documentation at nagkwentuhan, naging close kami, dahil narin siguro sa common interest namin ang debate at andami naming napag-uusapan. Nalaman ko na bi siya,sa una di ako maniwala dahil napakasuper-straight siya para maging, pero wala lang sa akin dahil di ko tinitignan ang isang tao sa kanilang kasarian. (Pero nararamdaman kong may pagka-bi din ata ako. Pero di pa ako sigurado)

May isang gabing pumunta si Angelo sa bahay,nagdadabog sa pintuan ,amoy alak at halos di na makatayo. Dali-dali kong dinala sa kwarto at pinahiga sa kama. Tinatanong ko kung bakit siya naglasing at IKAW KASI EH! Lang ang lagi niyang sinasagot,hinayaan ko muna siya baka dahil lang sa lasing siya. Tinanggal ko nalang ang kanyang damit at pinahiraman ko siya ng aking damit. Nagtataka ako kung bakit siya ganun. Nahiga narin ako sa kama at nakatapikit na ako, di ko inaasahan ang mga sumunod niyang sinabi. “IKAW KASI EH!............

-itutuloy

Sabado, Oktubre 1, 2011

Someone Like You (part.3)

Salamat po pala sa mga comments at advices. Kila Pink 5ive , Marc, Jay :)!, Zildjian, mico, Godric, jayzon13, j.v ,Dave17 at sa mga anonymous :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napaisip tuloy ako kung nakita ba ni Angelo ang pagkakatitig ko kay Daniel. Kaya’t minabuti kong tanungin si Angelo, “oh bakit?”, “wala makinig ka kay ma’am!”, sagot niya na may halong inis. Naweweirdohan ako sa ikinikilos ni Angelo ngayon.

Halos alam na namin lahat ang sinasabi ni Ms. Jam , rules and regulations,grading system at iba pa. KRIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG,”ayun recess na!”, saktong yayayain ko sina Pau at Angelo nang tawagin ako ni Ms. Jam at sinabing kakausapin niya ako. Nag-usap kami sa may corridor at sinabi niya sa akin na dahil nakita daw niya na responsible at friendly ako nung 3rd year, ako ang aatasan niya upang tulungan si Daniel para mapadali ang kanyang pag-aadjust , natuwa naman ako sa binigay na responsibility ni Ms. Jam kaya lubos ko itong tinanggap.


Nag-aantay sila Angelo at Pau sa akin at tinawag ko na sila para magrecess , habang papunta kami sa canteen nag-iisip ako kung paano ko iaaproach si Daniel, hmmmmmmm?. At nang nasa canteen na kami ay andun na din sina Peter, Shane at Patrick na nagreserve ng upuan para sa amin at ibinilhan na din kami ng makakain.
Biglang nagsalita si Paula.

Paula: huy ano pala sabi sayo ni Ms. Jam, unang araw palang ng klase eh may atraso ka na agad haha

Ako: hindi ah, sabi niya sakin na ako daw ang tutulong kay Daniel para mas madali siyang maka-cope-up sa classroom at school. (ganda talaga ni Pau :D )

Shane: sino naman yun?

Ako: transferee siya, galing states.

Paula: eh ano naiisip mong gagawin?

Ako: ewan

Paula: what if kami muna ni Gelo ang magtabi, tapos lipat ka sa tabi niya?

Ako: ok lng naman, ok lang kay Gelo?

Angelo: sige ok lang at balik agad sa pag-uusap nila Patrick at Peter

Ako: so yun muna gagawin natin.

Paula: yeah

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGG( time na!)

Bumalik na kami sa classroom at kinuha ko na ang bag ko at kinakabahang lapitan si Daniel dahil baka di mamansin . At ayun na nga nakalapit na ako sa kanyang kinauupuan at tinanong kung pwede akong tumabi sa kanya. “sure, ok lang” sagot niya. Nagpakilala na ako sakanya,”ako nga pala si Jeremy “ sabay abot ng kamay, “Daniel” maikli niyang sagot at nagkamayan na kami. Nakita ko si Ms. Jam na nakatingin at nakangiti sa akin, marahil may nakikita siyang progress sa aking mission. Wala kami masyadong ginawa kaya’t nakipagkwentuhan muna ako kay Daniel.

Ako: so bakit ka lumipat dito ?

Daniel: long story.

Ako: ahhhhhh ok (naku ano pa kaya sasabihin ko ) hmm ano pala favorite subject mo?

Daniel: hmm Science and English

Ako: nice, nga pala gusto mo bang sumabay mamayang lunch sa amin?

Daniel: no thanks

At saktong nag-ring na ang bell na naghuhudyat ng lunch

Ako: so sige kita kits nalang ulit mayang hapon. Bye.

Daniel: ok


Grabe napakaseryosong tao naman nun tapos ang ikli sumagot , nasabi ko nalang sa aking isip. Sa aming pag-uusap nalaman ko din na madadaanan ang bahay nila papunta sa amin, kaya’t naisip kong tanungin siya mamaya kung gusto niyang sumabay sa akin sa pag-uwi.

Naglunch nalang kami ng barkada sa Mcdo na malapit sa school. Natawa ako kay Angelo na nakipag-unahan kay Patrick sa kaliwang upuan na katabi ko at sa kanan ko naman si Paula ang nakaupo, andami nga lang tao dito sa Mcdo kaya’t ang sikip. Lagi kaming nagkakabanggahan ng siko ni Gelo tuwing susubo. After naming matapos ang pagkain nagkwentuhan muna kami . Natanong ni Pau ang aking mission at kwenento ko naman ang lahat. Tinanong ko naman siya kung kamusta sila ni Gelo haha. Sabi niya di daw masyadong umiimik si Gelo parang malalim daw ang iniisip. Hmmm bakit kaya , sa pagkakaalam ko madaldal at laging nangungulit si Gelo eh. Biglang natigil ang aking pag-iisip nang sinabi ni Pat na 10 minutes nalang before time. Kaya’t bumalik na kaming lahat sa school at sa kanya kanyang mga classroom.

Nagulat ako na mag-isa palang ni Daniel sa classroom at nakasaksak ang kanyang earphones. Hmm naglunch kaya siya? .

Wala ulit kaming ginawa ngayong hapon kaya’t pagkakataon kong tanungin siya kung gusto niyang sumabay sa akin at kay Angelo sa pag-uwi (halos magkapitbahay lang pala kami ni Angelo). “hmm sige kasi di pa ako sanay sa mga jeep at tricycle dito” . sagot niya at natuwa naman ako dahil humaba na ang kanyang sagot at makakasabay pa namin mamaya.

Yesss! Uwian na!

-itutuloy
By: Yos

P.S.- pavisit po naman ng blog ko http://heartbeatzero.blogspot.com/ salamat :)

Biyernes, Setyembre 30, 2011

Someone Like You (part.2)

Someone Like You (part.2)
Habang nasa loob ng kotse iba’t ibang bagay ang pumapasok sa aking isip ang mga bagay na gusto kong baguhin tulad ng magkalove life dahil sa tatlong taong nanatili ako sa highschool  dalawa palang ang aking naging girlfriend kaya isa iyon sa aking goal,ewan ko ba kung bakit? Di lang talaga ako nagiging totoo sa aking mga nararamdaman at isa akong torpe, isa pa ay ang pagiging mas active, sasali na ako sa iba’t ibang activities ng school. Natigil ang aking pag-iisip ng nagvibrate ang aking phone.

TEXT
Angelo: tol san kana 7:10 na >.< (si Angelo ay ung taong kung usapan ay 7 ay 7 sharp siya dadating, sa madaling salita laging on-time kaya ayun laging nag-aantay)
Ako: oo malapit na ako xD
Angelo: sige sige andito na din pala sila Paula at Pat
Ako: ok ok . eh sila Shane at Peter?
Angelo:  la pa eh, geh bilisan mo ha!
Ako: ok


(fact:kung nagreply ka ng ok maaaring replayan ka rin ng ok at di ka na makakasagot o di kaya  hindi na magrereply sayo)


Si Paula ay isa sa mga tinitingala sa school dahil sa angkin niyang ganda at galing. Tsinita, maputi, mayaman, matalino at madaming talents. Nasakanya na ata lahat(sa totoo lang crush ko siya pero basta ewan). Si Patrick naman ay isa sa mga chickboy ng barkada, malakas kasi ang dating. Si Shane naman ay ang kikay pero ang pinakamalalapitan sa oras ng pangangailangan, maganda din si Shane eh pero may boyfriend na  mula pa nung 2nd year eh sila na(swerte naman nagtagal sila ng more than 1year), pero madami paring nanliligaw sa kanya at si Peter ang pinakamayaman sa lahat, maporma, maputi, tsinito o ang boy version ni Paula.


*Sa Paaralan
                At iyon na nga halos di mahulugan ng karayom ang lobby dahil sa dami ng studyanteng excited na makita ang section o di kaya upang makipagkita sa mga kaklase. Agad-agad akong pumunta sa tapat ng lib at andun na si Angelo at si Paula. Agad na pagsalubong ni Angelo, “you’re 15 minutes late!” , “sorry naman daw, trapik eh, hi Pau,hi Pat!” agad kong pagpapaliwanag at pagbati kay Paula at Patrick sabay ngiti. Nag-hi din sila at tinanong ni Paula kung nagtext ba sila Shane at Brad kaso wala akong natanggap na text mula sa kanila. “Haist antagal nila” inis na sambit ni Angelo. “Relax ka lang, alam mo namang patagalan iyong dalawang iyon eh” pabiro kong sinabi.

                7:30 nang dumating si Brad at 7:40 si Shane. “Panalo si Shane!”, sigaw ni Patrick , tawa naman ang lahat. Doon ko nalaman na magkakaklase pala sila Pat, Peter at Shane, at kami naman nila Angelo at Pau ang magkakaklase. Hinatid na namin sila sa kanilang classroom at kami ay pumunta na din sa aming classroom.

                Magkatabi kami ni Pau at si Angelo ay nasa likod ko. Kaya’t nagkwentuhan muna kami, pero napansin kong di masyadong umiimik si Angelo. Dumagsa na din ang iba naming mga kaklase halos kilala ko na ang lahat sa mukha at ung iba ay naging kaklase ko na nung 3rd year, ngunit may kakapasok lang mukhang transferee, cute siya pero mukhang emo type at pararang mahirap iapproach pagkatapos ng ilang minuto pagkapasok ni “new guy” dumating nadin ang aming adviser at laking gulat ko dahil siya ang paborito kong subject teacher nung 3rd year si Ms. Jam , nasa 30’s siya, magaling magbigay ng advice at student-friendly. Si “new guy” lang ang pinag-introduce-yourself dahil kilala na namin ang isa’t isa, ang pangalan niya pala ay Daniel, mula sa states(kaya pala maganda ang kutis at ang kanyang pagkamoreno), mahilig daw siya sa arts-drawing,painting,photography at yun lang ang kanyang sinabi. Di ko namalayan na nakatitig lang ako sakanya hanggang sa siya’y umupo at bigla siyang tumingin sa akin , doon lang bumalik ang aking katauhan.
“Huy!” bigla akong kinalabit ni Angelo…..
-itutuloy
By: yos
                

Someone Like You (part.1)

Someone Like You (part 1)

Babala: ang sumusunod na kwento ay ang kauna-unahang kwentong isusulat ko , paumanhin sa kung ano mang kamalian at sa kung ano mang di kanais-nais na bagay na aking mailalagay dito. -yos
Mas maayos ang pagbabasa kung sasabayan ng musika :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gumising sa umaga, maligo, magbihis, pumasok sa eskwela, umuwi, kumain at ang finale-matulog. Ganyan lang naman ang ikot ng buhay ko, sa isang salita napakaboring. Ako nga pala si Jeremy, isang 4th year highschool student (sa wakas!) . Masasabi kong isa ako sa mga “Mr. Nice Guy” sa campus dahil sa friendly ako at laging sumusunod sa mga patakaran.Ako ung taong alam kung kailan magseseryoso at makikipagbiruan. . 5’7 , sakto lang ang pangangatawan, moreno at ang sinasabi nilang asset ko – ang aking dimples at ang ngiting mas nakasisilaw pa sa sinag ng araw.

Sinasabi nilang highschool daw ang pinakamemorable na kabanata sa ating buhay. Pero hanggang ngayon di parin ako naniniwala sa sinasabi nilang ito. Di ko padin maramdaman ang highschool life.


TEXT
Angelo: Tol kita kits bukas ah! Kasection pala kita :D
Ako: haha oo nga:) what time ka punta?
Angelo: 7 nalang para makapaglibot pa tayo
 Ako: sige hintayan nalang sa harap ng library, text mo din ung iba
Angelo: ok, geh goodnight :P
Ako: nyt :P

Buti nalang kaklase ko ulit si Angelo, mula 1st year highschool na kaming magkaklase at siya ang pinakaclose ko sa barkada.


June 13, 2011

                Unang araw ng klase. “Huling pagkakataon na para sulitin ang sinasabing “highschool life”, habang nakaharap ako sa salamin at nag-aayos ng sarili. Positibo ang aking pananaw para sa huling taong ito. Isinaksak ko na ang aking earphones sa aking tenga at binuksan na ang Ipod at pinatugtog ang Good Life by One Republic at sumakay na sa kotse.

Sometimes there’s airplanes I can’ t jump out
Sometimes there’s bullshit that don’t work now
We are god of stories but please tell me-e-e-e
What there is to complain about
When you’re happy like a fool
Let it take you over
When everything is out
You gotta take it in

-yos

videokeman mp3
Good Life – OneRepublic Song Lyrics